Saturday, January 21, 2012

Basu-basura.

Binuksan ang drawer, kay daming balat ng kendi,
May chewing gum na putol,
May butil ng mani,
May tsokolateng tunaw,
May tulo ng ballpen,
At may singaw ng luma.

Kay raming basura, kung ano ano lang naman,

Dapat itapon lahat ora-orada,
Ngunit next week lang din sangkaterba na naman,
Kahit bulsa ng pantalong nakasabit
Dumpster din ang dating
.


Kay raming kahon, at mga plastic bin
,
Punong puno ng kable, extension cord at USB,
Sa bodega sa dulo may mga maleta
naman
Punong puno ng polo shirt, kurbata at mga mittens.

Basura itapon na
bakit iniipon pa?
Ang marami dito alaala lang ng kahapon,
Dinadala at binobodega
Pinipilit isalba,
Daan kasi ng lumipas nagdala sa ngayon na.

Oo, mahilig mag ipon ng mga lumang memorya

Pero di ba ito ang basehan ng ating ligaya?

Kahit talo o panalo
dala nito ang sentro,
Ang maraming taon, ang mga nilamon ng panahon.


Kahit ang MMDA nag aanunsyo ng recycling

Iligtas daw ang kalikasan at kapaligiran,

Magandang patnubay sa damdamin at buhay

I-recycle ang nuon at matuto sa ngayon.

Basu-basura lang

Wala daw silbi,
Ugat pa ng away at matinding kalungkutan,

Pero sa tingin ko basura ng buhay nabulok man at umamoy
Naging sanga ng buhay,
Naging pamantayan.

No comments: