Nuong maliliit pa kami, kapagka nag-aaway kaming magkakapatid agad sasabihin ni Nanay, "para kayong mga aso't pusa."
Kasi naman ang aso't pusa, kontra pelo talaga. Pag nagkita, kahulan at girian ang mangyayari.
Ang magkakapatid madalas nag-aaway lalo pa't malilit pa lang. Kasi nag-aagawan ng laruan, kendi, komiks, at pagpansin ng magulang.
Pero ang nakalulungkot ay kung ang magkakapatid ay mag-aaway kung sila ay may mga isip na, may gulang na, magulang na.
Tingnan natin ang mga artistang magkapatid na Christine Reyes at Ara Mina; awayan sa pera nauwi sa demanda.
Nandyan din ang magkapatid na Gretchen Barreto at Claudine Barreto; hindi ko alam kung ano ang ugat ng awayan nila.
Sa aming pamilya, wala namang awayan, knock on wood, ika nga. Kung mayroon mang maliit na tampuhan, agad naisa aayos. Palibhasa't nakikinig sa paliwanag ng bawa't isa, at nakiki ayon sa abiso ng pinakamatandang kapatid, o ate.
Malungkot kapag ang magkakapatid ay nag-aaway tungkol sa salapi, o ari ariang naiwan ng mga magulang. Magpupukulan ng masasakit na salita na hahantong sa di maikukumpuning lamat sa kanilang relasyon.
Iba ang away magkakapatid sa away ng magulang at anak.
Sa away magulang at anak, mas malalim ang ugat at sugat. Nababatay ito sa mismong kautusan ng Dios.
Ang mga anak na naghurementado at di- iginalang ang magulang at di-nagpasintabi at di - humingi ng patawad ay sa impiyerno ang tuloy ng kaluluwa. Nasa ika - apat na utos ng Dios. "Mahalin at igalang ang magulang."
Ang tanging magiging kasalanan ng magulang sa anak ay ang pagpapabaya at di pagkupkop sa supling. Ang mga obligasyon ng magulang ay iluwal, arugain, mahalin, palakihin ng tama, at pag-aralin ang anak.
Hindi nga balanse. Mas mabigat ang responsibilidad ng magulang. At ang tanging hiling ng Dios sa anak, ay igalang at mahalin ang magulang.
Kapag nakakakita ako ng mga batang namamalimos sa kalye, o pudpud ang gomang tsinelas o kumakaway sa labas ng Jolibee upang humingi ng tirang hamburger, sumasakit ang dibdib ko.
Kasi naman pinalaki namin sa masaganang kapaligiran ang anak. Inaruga, dinamitan, pinadala sa pinakamagaling na escuela. Pinagpawisan ang bawa't pisong matrikula, ang pambili ng uniporme, ang pamasahe, ang pagkain sa mesa. Ipinagpakasakit ang pansariling luho para lang maibigay ang luho ng anak.
Napakalaking kawalanghiyaan kung ang anak na minahal at inaruga, at kinalinga ng magulang ay magiging suwail sa bandang huli.
Ang walang utang na luob ay di magkakamit ng tagumpay.
Sabi nga ng iba't ibang pananaw, " ang mga taong di lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paruruonan, at ang karma ay darating sa mga gumagawa ng mali.
Sa kristyanong tradisyon, ang anak na suwail at di gumalang sa magulang ay sa impierno ang bagsak.
Mainit duon. Kaya ingat kayo.
2 comments:
Choose your enemy, not your parents please.
Ang mga anak na di gumagalang at binabastos ang mga magulang ay masahol pa sa hayop, dahil ang hayop ay walang isip, pero ang tao ay binigyan ng pag iisip ng Dios. At kung kinalinga at inaruga ang anak ng magulang walang anumang dahilan para sila maging suwail.
Post a Comment