Masakit ang sapak kay Bradley ng kamao ni Manny,
Muntik muntikanang tumumba and batang taga Amerika,
Nag intay kay Pacquiao na nanuod ng NBA muna,
Kumita ng limang milyong dolyar,
Sa wheelchair isinakay.
Si Manny nama'y sa Hollywood tumulak
At me shooting din daw,
Bitbit sila Jinkee pati dal'wang pogi,
Balik Sarangani naman itong Mommy D,
Naglupasay sa simbahan
Kasama'y batang batang pastor diyan.
Mga Pinoy ay pumusta, karaming talunan,
Manok nila'y di nasugatan pero dineklarang tinola,
Me rematch din daw agad, okay lang kay Mr. PacMan,
Bantay sarado ni Mommy D and susunod na iskoran.
Sabi ni Oscar De la Hoya dal'wang judges ibang trabaho na,
Ayon naman kay PPV Arum imbestiga bago rematch muna,
Sumawsaw din si Sharon Cuneta, you're still the champ Mr. Manny,
Ito rin daw ang sabi ng mga Pinoy kung saan saang bahagi.
Lumuhod at nagdasal si Manny kahit di pangalan ang nagwagi,
Sabi naman ni Jinkee ito ang kaluob ng Hari,
Panalo ngang tulad ni Bradley dating nama'y mala-kunyari,
Mabuti na ang dinaya malinis pa rin ang imahi.
Malaya si Manny sa dungis ng boksing kung saan kabahagi,
Lumaban siya ng todo todo pero tinono ng hurado,
Si Bradley nama'y nagulat din sa desisyon ng panalo,
Pero sa kanya pa rin ang sinturon ng welterweight dibisyon.
Mommy D inspects Hermes bag, gift from son Manny. |
Maingay ang mga miron, mga pumusta't kolumnista,
Mga tagahanga ng boksing sa mundo dinaan sa tweet ang reklamo,
Baligtarin daw ang desisyon ibigay now na kay PacMan,
Sabi nga ni Shack O'Neal "Bradley isoli ang title at katad na crown."
Man o man, sigaw ng kabataan,
Manny ikaw lang, chorus ng mga kababaihan,
Anak ingat ka diyan sigaw ni Mommy Dionisia,
H'wag kalimutan ang Hermes na bag
pangako mo naman 'yan.
1 comment:
Natumbok mo Pare.
Post a Comment