Friday, April 15, 2011

Sisig.


Nagsaing na ako,
Isinalang din ang kapehan,
Ang mesa ay pinunasan,
Sinilip ang asong bantay sa harapan,
Maya maya'y wawalis walisan ang tisadong hardin,
At kakalikutin ang mga sira sa bahay.

Mainit pagkagising,
Bago matulog din,
Sa tanghaling tapat,
Sa harap ng kalan,
Sa gilid ng bahay,
Sa likod sa may batalan,
Sa harap na nakaharap sa araw,
Sunog pati ang may anan.

Kay sarap ng pusit na aking niluluto
Lalo't pumupuslit ang tintang maitim,
Sa puting kanin isama
Tila gawa ng artista,
Kung may mainit na pinakbet pa
Lahat ay pampagana.


Mainit daw ang pag ibig
Lalo na't bagong kasal,
Kapag naghaharutan,
Sa mga bakasyunan,
Pag wala nang takot na mga anak ay madagdagan,
Oy, ano ba ang kulay ng suot mong hikaw?
- Eh di pagsapit din ng ating kabulagan.

Mga bata'y naghahabulan,
Mga menor de edad ay nagtatawanan,
Mga dalaga't binata'y nagsusulyapan,
Mga mag asawa'y nag uulayaw,
Sa tag-araw at tag ulan,
Ng mga taong magdadaan.

Pag ibig ang tamis o anghang ng buhay,
Makata man o pamilyar,
Ito ang ingrediyenteng asam.
Taga luto, taga laba, taga tipa ng makinilya,
Taga igib ng tubig,
Listaha'y walang katapusan.

Tayong bawa't isa
May init na iniimpit,
Init ng ulo, init kaya ng panlulumo,
Init ng tagumpay,
Init ng tawanan,
Init ng katawan,
Init ng tag araw.

Ang dapat ipagpalaya
Ay ang init ng kasalanan,
Dahil ang hantungan niyan
Ay mas matinding kainitan,
Duon daw sa impierno
Makasalanan ay sisilaban,
Parang sisig sa kawali
Ikaw ay sizzling one.

1 comment:

Anonymous said...

Salamat para sa mga kagiliw-giliw na impormasyon