Personal stories culled from memories. From childhood to adulthood. From living in the Philippines to settling in Canada.
Wednesday, May 25, 2011
Impedimiento, cheese pimiento.
Wala ng impedimiento dito sa aking puso,
Uminom na kasi ako ng Lipitor o Crestor,
Taba ay natunaw, dugo ay dumaloy,
Huminga ng mahusay sa gabing walang sablay.
May oras na para pumangal ng lechong kawali,
Chicharong bituka o kropek na Oishi,
Tila nalimutan na din ang oatmeal at toast,
Ang itlog na puti, rice basmati at kiwi.
Kelan nga ba huling niluto ang paboritong calamari
O pinagsawaan ang klasadong red wine?
(Na di naman bagay sa sinigang o pinaupo)
Sa pridyider may Manila beer may basket puno ng Chippy,
Pag nagka-karaoke panay munch munch ko nire.
Bakyang bakya na daw pag tungtong ng NAIA,
Pag dagsa ng pasaherong galing kung saan saan,
Paghila sa maleta, pagdausdos sa daan,
Pagsakay sa sasakyan hanggang sa tirahan.
Akala ko'y squatter ang mga bahay na dinaanan,
Yun pala'y mga legal dilapidated nga lang,
Sa subdivision naman mini-upscale daw
Eh kita din may squatter bahay nga lang tinapalan.
Dios ko, dios mio pawis ay tumatagaktak,
Mainit man o tag ulan dito sa Manila't kabayanan,
Pag biyahe naman sa Bulacan, Laguna't Nueva Ecija
Bulsa'y butas agad sa karga ng gasolina.
Kumakaway na naman ang tawag ng dolyares,
Nararamdam din ang ihip ng autum wind
Nalalasahan na ang amoy ng bacon,
Ang anta ng persimon at tamis ng plantain.
Takot ba ito sa mga kalamidad
Ng mga Ondoy at Frank? Ng mga heart attack?
Pagka wala ng asset, panluluko ng trusted?
Pagka hopeless ng paligid, gobyierno, media't entertainment?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Funny and so true
Post a Comment