Wala ng impedimiento dito sa aking puso,
Uminom na kasi ako ng Lipitor o Crestor,
Taba ay natunaw, dugo ay dumaloy,
Huminga ng mahusay sa gabing walang sablay.
May oras na para pumangal ng lechong kawali,
Chicharong bituka o kropek na Oishi,
Tila nalimutan na din ang oatmeal at toast,
Ang itlog na puti, rice basmati at kiwi.
Kelan nga ba huling niluto ang paboritong calamari
O pinagsawaan ang klasadong red wine?
(Na di naman bagay sa sinigang o pinaupo)
Sa pridyider may Manila beer may basket puno ng Chippy,
Pag nagka-karaoke panay munch munch ko nire.
Bakyang bakya na daw pag tungtong ng NAIA,
Pag dagsa ng pasaherong galing kung saan saan,
Paghila sa maleta, pagdausdos sa daan,
Pagsakay sa sasakyan hanggang sa tirahan.
Akala ko'y squatter ang mga bahay na dinaanan,
Yun pala'y mga legal dilapidated nga lang,
Sa subdivision naman mini-upscale daw
Eh kita din may squatter bahay nga lang tinapalan.
Dios ko, dios mio pawis ay tumatagaktak,
Mainit man o tag ulan dito sa Manila't kabayanan,
Pag biyahe naman sa Bulacan, Laguna't Nueva Ecija
Bulsa'y butas agad sa karga ng gasolina.
Kumakaway na naman ang tawag ng dolyares,
Nararamdam din ang ihip ng autum wind
Nalalasahan na ang amoy ng bacon,
Ang anta ng persimon at tamis ng plantain.
Takot ba ito sa mga kalamidad
Ng mga Ondoy at Frank? Ng mga heart attack?
Pagka wala ng asset, panluluko ng trusted?
Pagka hopeless ng paligid, gobyierno, media't entertainment?
Nagsaing na ako,
Isinalang din ang kapehan,
Ang mesa ay pinunasan,
Sinilip ang asong bantay sa harapan,
Maya maya'y wawalis walisan ang tisadong hardin,
At kakalikutin ang mga sira sa bahay.
Mainit pagkagising,
Bago matulog din,
Sa tanghaling tapat,
Sa harap ng kalan,
Sa gilid ng bahay,
Sa likod sa may batalan,
Sa harap na nakaharap sa araw,
Sunog pati ang may anan.
Kay sarap ng pusit na aking niluluto
Lalo't pumupuslit ang tintang maitim,
Sa puting kanin isama
Tila gawa ng artista,
Kung may mainit na pinakbet pa
Lahat ay pampagana.
Mainit daw ang pag ibig
Lalo na't bagong kasal,
Kapag naghaharutan,
Sa mga bakasyunan,
Pag wala nang takot na mga anak ay madagdagan,
Oy, ano ba ang kulay ng suot mong hikaw?
- Eh di pagsapit din ng ating kabulagan.
Mga bata'y naghahabulan,
Mga menor de edad ay nagtatawanan,
Mga dalaga't binata'y nagsusulyapan,
Mga mag asawa'y nag uulayaw,
Sa tag-araw at tag ulan,
Ng mga taong magdadaan.
Pag ibig ang tamis o anghang ng buhay,
Makata man o pamilyar,
Ito ang ingrediyenteng asam.
Taga luto, taga laba, taga tipa ng makinilya,
Taga igib ng tubig,
Listaha'y walang katapusan.
Tayong bawa't isa
May init na iniimpit,
Init ng ulo, init kaya ng panlulumo,
Init ng tagumpay,
Init ng tawanan,
Init ng katawan,
Init ng tag araw.
Ang dapat ipagpalaya
Ay ang init ng kasalanan,
Dahil ang hantungan niyan
Ay mas matinding kainitan,
Duon daw sa impierno
Makasalanan ay sisilaban,
Parang sisig sa kawali
Ikaw ay sizzling one.
ڡby Gener
Ikaw nga ang mahal
Sa lahat ng pangarap,
Mula sa hatinggabi
Pagdating ng araw,
Ikaw nga ang mahal
Sa bawa't sandali,
Sa katanghalian
Kahit sa tag-ulan.
ڡ
Ikaw nga ang mahal
Sa lahat ng iba pa man,
Walang ibang dinarama
Sa puso't himaymay,
Ikaw nga ang mahal
Kahit tila alinlangan,
Lahat ng salita mo'y
Pilak na pinakikinggan.
ڡ
Ikaw nga ang mahal
Walang kapantay,
Hindi ko rin malaman
Yaring pinagmulan,
Ikaw nga ang mahal
Parang tadhanang sumapit,
Lumbay ay pinaslang
Sabik ang tinaglay.
ڡ
Ikaw nga ang mahal
Sana'y kalimutan
Anghang n'yaring galit
dala ng mahaba kong lumbay,
Ikaw nga ang mahal
Ikaw na lamang,
Sana ay ngitian
Ang pag-asang hinihintay.