Sunday, May 13, 2012

Libre lang para kay Nanay.

By Gener on Mother's Day, May 2012. COPYRIGHTED.

RIGHT, Our Lady of Manaoag icon at the Caleruega Church in Tagaytay.



Kay galing naman talaga nitong si Mr. Freddie Aguilar,
Ang kantang Anak ay inawit ng iba't ibang taga-bayan,
Isang awiting kay saklap para sa isang magulang,
Na nagtiis, nagpakasakit sa isang anak na nagsuwail.

Maligalig ang puso ng ina kung ang anak ay napariwara,
Mahapdi ang luob niya kung ang kawan ay gutom na,
Maalat ang luha sa pisngi kapag si Nene'y naduhagi,
Matigas ang panga sa kaba kung si Nonoy ay sugapa.

Subali't anong laking tuwa niya kung ang anak ay malumanay,
Masigla ang gising sa umaga at maantabay sa kanyang paalala,
Masipag sa bahay at eskuela, mapagdasal at magalang pa,
Kapag pinuri ng kumare lumulundag ang dibdib ni Ina.

Ipinangutang ang iba, iginapang sa pag-aaral,
Inaruga't binihisan
Binantayan at hinalikan,
Ipinagdasal at tinutukan
Gabi't araw pinanigan,
Pinunasan ang likod at nilambungan sa hamog kung tag-ulan.


Mga salitang may alala kanila pang dinusta,
Tinawag kang di magulang at wala daw silang utang,
Hiniya ka mandin sa karamihan
Minura at tinalikdan,
Mas mabuti daw ang mga kaibigan at walang humpay ang bigay na ligaya.

Isinantabi ang nakaraan
At sinugod ang paruroonan,
Kasintabi'y mga barkada mga bagong dating sa buhay,
Wala daw silbi ang pamantayan ikaw'y makalumang magulang,
At ang sigaw masaya siya
Kasiping ang alak at balintuna.

Saan napunta ang pag galang, ang mga tamang pinag aralan?
Tinangay ba ng ihip ng hangin at mga ulan ng kabundukan?
Parang buhanging gumuho lang nang malampasan ng karagatan,
Tila tiklis ng kawayang bumigay sa lintik ng kaunusan.

Ano daw ang parusa ng Dios sa anak na lapastangan
Sa Ika apat na utos na " Igalang at mahalin ang magulang."
Kung ikaw ay nagsuwail, nanlait at nag-tampalasan
Sa impiernong bulok ang bagsakan
Ng kaluluwang sagad sa kasalanan.

"Nanay, Nanay patawarin mo ako,"
Sana'y matutuhang bigkasin mo,
Di ito palamuti sa mga facebook o twitter account diyan,
Ang katagang "Mahal kita Nanay" aba'y libre lang ito mga anak,
Sabihin ulit ulitin,

Bago tayo lahat pumanaw.

1 comment:

Anonymous said...

AMEN!