Katatapos lamang ng Ms. Universe-Canada pageant at ang kauna-unahang "transgender" candidate ay natalo. Maganda ba siya? Sino ba ang maganda, at guapo?
Ayon sa artikulo ni Father Rolando V. De la Rosa, O. P, Rector, University of Santo Tomas, sa Manila Bulletin Mayo 19, 2012, si Mother Teresa ng Calcutta ay ubod ng ganda kahit siya ay puno ng kulubot at tuyot na ang balat dahil si Mother Teresa ay namuhay nang maganda. Basahin ang kabuuan ng artikulo sa: http://www.mb.com.ph/articles/359980/looking-well-means-living-well
GANDANG UMAGA.
The Blessed Mother Teresa of Calcutta. |
Ano nga ba ang ganda
Na pinagka-kaabalahan ng kababaihan t'wina?
Nuon ang pamantayan ay kung makinis ang balat niya,
Kung maputi ang sakong ng paa
At mahinhin ba ang kilos niya.
Nguni ng lumipas ang taon, nang mabasura ang baro't saya
Nang gumulong ang kampanyang liberada,
Sa salamin pagtingin ni Ate't Nana
Ang mukhang dapat duon ay napalitan na.
Dito sa 'Pinas tisay na artista ay tiningala ng lahat,
Ang koloreteng pampapuputi ng bala't sa mercado'y pinilahan,
Ang sabong "Wonder" binili at ang spray net pinag ipunan ng pera,
Ang ilong na pango ay ipinagdasal, tumangos naman daw sana.
Ang binting balbon ay inahitan
Pati ang kili kili'y pinulbusan,
Ang labi'y pinulahan,
Ang kilay ay ginuhitan.
At ng si Nora Aunor ay sumikat
Kamorenaha'y tinanggap,
Kaliitan ay inangkin,
Kahirapa'y di pinansin.
Nang si Brocka ay nag direk
Pusali ay isinama,
Sa pinilakang tabing ang langaw
Nakita ng manunuod ang pagsingaw.
Nagdaan pa ang mga araw
Rumampa na naman ang dayuhan,
Mga tsinita'y napansin
Mga mapuputi'y muling dumating.
Mga OFW'y nagsilisan
Mga aktibista'y nagtakasan,
Mga ama't ina'y naghiwalayan
Mga anak ang naiwanan.
Nanganak sa ibang bayan
Ama't, ina'y dayuhan,
At ang supling na tinaglay
Aleman, Ingles, o Iranian.
May Haponesa't Singaporean
May Canadian, Australian,
May Amerkano't Mexican,
Pilipino'y kalahati na lamang.
Kaya ibang ganda ang nagisnan
Ng henerasyong digital,
Ibang ugali ang pamantayan,
Kakaibang kaisipan.
Tila kauri ng mga taga- ibang planeta
Mala-Avengers ang dating nila,
Kawangkis ay mga karakter- komiks
'Yung kostumadong- anime't krokis.
Mga produktong pampakinis lalong yumabong sa tindahan
Ginastahan ang mga spa, rebonding at masahista,
Dating Olay ay napatungan ng sangkatutak na produkta
Botox, stem cell na sistema sinubukan ng may kuwarta.
Si Ate Kris, si Vicky Belo, si Madam Auring at Cayanan
Lalong sumikat at yumaman
Sinugod ng mga taga opisina,
Mga estudyante, retirado, mga matrona't
Kalalakihan,
Naging verb ang dating nila, as in Belo-fied ka.
Maganda nga't makinis kundi naman nagsisimba,
Nagsisimba nga't nangungulimbat din
Eh saan nga ba pupunta?
Ang mga gobyernong nagno-novena
Aba't milyon milyon daw na dolyares nakasiksik sa kaban nila.
Oy, oy, ate't kuya nakamasid si Conchita,
Ang Ombudsm na matapang, "spotless" ang rekord niya,
Mga mangangamkam ng yaman ng iba, taga-protekta ng may panlagay,
Huwag naman magpapogi, huwag naman magpa-ganda.
Ang kailangan naming mga tao
Ay ang malinis na mga opisyo,
Di mga korupt at gago, di mga mang- gogoyo,
Si Mother Teresa ng Calcutta,
Si Lorenzo Ruiz ng Binondo,
Maganda at guwapito sa mga mata ni Kristo.
No comments:
Post a Comment